Sunday, October 23, 2011

Si Luz at Fermin


Nakaratay sa silid ang ama nila Luz at Fermin. Inihabilin ng ama nila ang kanyang ari-arian. "Ikaw Fermin ibinibigay ko sa iyo ang lupaing bandang timog. Yung nasa hilaga ay ibibigay ko kay Luz. Total siya ang babae, inihabilin ko na rin ang dampa natin sa kanya." Nung pumanaw na ang kanilang ama, minabuti ni Fermin na bumukod na sa kanyang kapatid at kagaya ng inihabilin ng kanyang ama, binigay nya sa kanyang kapatid ang kanilang bahay.

Nagtayo si Fermin ng dampa sa may paanan ng bundok. Sagana sa isda ang batis. At hitik na hitik sa bunga ang mga mangga. Pumitas siya ng iilan at ninanam ang tamis ng mga mangga. Naalala niyang paborito ng kapatid nya ang mangga kaya't itinabi nya ang iilan para sa kanyang kapatid. Binibisita niya ito linggo-linggo. Masagana ang buhay ni Fermin. Sa isang linggo ay nakakuha siya ng baboy-ramo sa gubat, paminsan-minsan ay usa. May mga saging at iba't-ibang prutas na likas na tumutubo sa kagubatan. Paminsan-minsan sinusundot nya ang pukyutan para aani ng pulot. Ang kanyang kaingin ay mainam pagtamnan ng palay na ang bango ay sadyang kanais-nais. Kahit yaong talahiban at parang ay sagana rin sa mga manok at ibon. Malimit ang kanyang mga patibong ay nakakakuha nito. Ito ang buhay ni Fermin. Araw-araw ay pinapasyalan ang gubat, talahiban at inuusisa ang mga patibong. Namimingwit o di kaya ay naliligo sa batis. Isang paraiso!

Ang sobra sa mga patibong niya ay dinadala nya rin sa kanyang kapatid na si Luz. Maganda rin ang buhay ni Luz. Napapalibutan ang bahay ng mga bulaklak at mga gulay. Kagaya ng kanyang kapatid ay may mga patibong din siya sa gubat na nagsusustento sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit sadyang mas magaling ang kanyang kuya sa larangang ito dahil sa mas malaki ang nakukuha niya. Ngunit hindi naman gaano marunong magluto ang kanyang kuya. Kaya napipilitang bumibisita ang kanyang kuya sa kanya para makahigop ng sabaw at malinamnam na lutuin na sadyang si Luz lang ang may alam. Si Fermin ang nagdadala ng mga rekado - karne, gulay, bigas at si Luz naman ang taga-luto. Linggo-linggo animo'y piyesta kung nagtatagpo ang mga kapatid.

Di naglaon, merong napadpad na isang binata sa lugar nila. Ang pangalan niya ay si Castelo. Nabighani siya sa ganda ni Luz. Nagkaigihan rin ang dalawa. Hiningi ni Castelo ang kamay ni Luz mula kay Fermin. Masipag naman si Castelo kaya tinanggap ni Fermin at binigyan ng pahintulot na maging asawa niya si Luz. Sa puntong yun, naging kampante na si Fermin na mayroon ng mag-aalaga kay Luz. At bumukod ng tuluyan si Fermin at naninirahan sa kanyang munting paraiso. Hindi likas na mangangaso si Castelo ngunit masipag siya at madiskarte. Binungkal niya ang talahiban at tinaniman ng mais. Nilagyan niya ng deke ang palibot ng batis at nilagyan ng tilapia ang mga ito. Ang sapa ay nilagyan niya ng harang at ibang bahagi ng talahiban ay ginawa niyang sakahan ng palay.

Binenta nya ang mais at umangkat siya ng baboy at nilagay sa kulungan sa likod ng bahay. Iilang buwan lang ang nakalipas nakaanak na rin ang inahing baboy nila. Ibinenta nila ulit ito at bumili ng kalabaw. Naging mas masigasig na si Castelo sa pagbubungkal at pinalawak niya lalo ang kanyang sakahan ng mais at palay. Di nagtagal at nakabili na rin sila ng mga baka at mga kambing na pinapastol sa parang. Sadyang pinagpala sila ng Poong Maykapal at binigyan din sila ng isang supling, si Victor. Lalong nagpursige si Castelo na mapalago ang kanilang pamumuhay. Naisip nya isang araw na kailangang baguhin na nila ang kanilang bahay. Kumuha niya ng mga kahoy sa gubat at nagpatayo ng isang matayog na bahay na gawa sa Narra.

Minsan, bumisita si Fermin sa kanyang kapatid. At laki ang pagkamangha sa pagbabago ng dati nilang lugar. Nakikita niya na iba ito sa kanilang kinagigisnan. Ang dati nilang dampa ay isang napakalaking bahay na. Binati nya ang kanyang bayaw sa tinamo nitong tagumpay. "Bunga ng pawis at pagsisikap, bayaw". Nang umuwi na si Fermin, hindi nya lubos maisip kung gusto nya ring gayahin si Castelo. Ngunit ang lahat ng kanyang pangangailangan ay andito na: pagkain, sariwang tubig at iba pa. Ano pa ba ang hilingin niya? Kaya nilublub na lang niya ang sarili sa gawaing nakasanayan na. Sa kabilang dako, nasambit rin ni Castelo kay Luz na "yung kuya mo ay tamad at walang pangarap sa buhay".

Isang araw, may mga bisita ang mag-asawang Castelo at Luz. Mga kababata ni Castelo mula sa ibayo. Nakita nila ang bahay at ang mga kagamitang narra ni Castelo. Sinabihan nila si Castelo na yayaman siya lalo kung magbebenta sila ng narra sa bayan. At yun ang ginawa nila. Pinutol nila ang mga narra sa kagubatan pati na rin yung ibang kahoy na pwedeng pakinabangan at binenta sa bayan. Limpak-limpak na salapi ang kinita ni Castelo kaya bumili na rin siya ng sasakyan. Naisip nya rin kailangan niya ito para sa paghatid ng mga produkto.

May bali-balita na kailangan na daw na patituluhan ang mga lupain alinsunod sa nakatakda sa batas. Kaya pinaghandaan na ni Castelo ang mga kailangang patunay para tuluyan na nilang maging pag mamay-ari ang lupain nila. Dito naisip ni Luz ang kanyang kapatid. "Alam kaya ni kuya ang bagong patakaran na ito?" Ngunit ang pambayad sa surveyor at sa gobyerno ay sapat lang sa pagpapatitulo sa iisang lupain gaano man kalawak ito. "Ano kaya kung isali na lang natin ang lupa ng kuya mo sa patituluhan natin? Kumbaga isang gastuhan na lang". Kaya pumunta sila kay Fermin kasama si maliit na Victor at mga surveyor. Tinanong ni Fermin si Luz kung ano ang ginagawa ng mga taong kasama ni Castelo. Sinagot niya na para matituluhan ang lupang minana nila sa mga magulang nila. Napatango na lang si Fermin at hindi na nagtanong pa. Aliw na aliw siya sa kanyang pamangkin. "Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa kuya?". Di na umimik si Fermin. Pagkatapos ng pagbisita nila kay Fermin ay agad inasikaso ang mga papeles sa titulo at naipangalan ang dalawang lupain sa iisang titulo sa pangalan ni Castelo.


Malawak ang kagubatan nila Luz at Castelo ngunit unti-unti na ring nauubos ang mga narra nito. Kaya iyong ibang klase ng mga kahoy na naman ang pinutol niya. Habang paubos na ang pinagkakakitaan niya ay lalo siyang nag-alala sa kinabukasan ng pamilya niya. Ang palayan at maisan naman niya ay hindi na gaanong masagana kasi wala ng tubig ang dumadaloy sa mga sapa. Kailangan niyang makaisip ng diskarte. Doon nya naisip ang kagubatan ni Fermin.

Binisita niya ulit si Fermin at inalok na ibenta sa kanya ang mga kahoy na narra. Kahit maghati pa sila sa kikitain ay kikita pa rin kahit papano si Castelo. Ngunit nag-aalinlangan si Fermin kasi ang kagubatan ang pinagkukunan niya ng mga, pulot, baboy-ramo at usa na pagkain niya. Inalok ni Castelo ang kalahati ng kanyang bakahan, isang daang sakong asukal, lahat ng mga kambing at kunting bahagi ng kanilang kikitain kapalit ng mga kahoy sa kagubatan . Pumayag na rin si Fermin. Pinutol na nga ni Castelo ang mga puno sa kagubatan.

Pagkatapos noon, pilit namuhay si Fermin sa bigay na pera at mga hayop ni Castelo. Ngunit likas na lumalabas ang kanyang pagka mangangaso. Ngunit kahit anong patibong at paglilibot sa dati niyang kagubatan, wala na ang mga baboy ramo, wala na ang usa, wala na ang mga pukyutan. Unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga ibon at sarimanok sa parang at talahiban. Hindi siya marunong magpastol at mag-alaga ng hayop kaya naubos at ang iba ay namatay.  Naging malungkot si Fermin kaya bumaba siya sa bayan. Naging kargador, boy, at iba pang mga gawain para makalimutan ang kanyang nawawalang paraiso. Dito na rin nya nakikilala si Amy, isang relihiyosang babae na naging asawa niya. Ngunit, sadyang hindi nya matiis na hindi makita ang kanyang paraiso kahit hindi na ito ang dati nitong anyo. Sa isip niya kaya pa niyang ibalik ang kanyang paraiso.

Kinumbense niya ang kanyang asawa na bumalik sila sa bundok. Pumayag ito basta tangan-tangan nila ang mga estatuwa at mga imahen ng mga santo. Tinahak ng mag-asawa ang bundok kalong-kalong ang animo'y isang kapilya. Nang nakarating na sila sa lupain ni Fermin, laking gulat na lang niya na may nakatayong isang malaking bahay sa dati nitong dampa. Paglapit niya sa bahay ay naaninag niya ang mukha ni Luz sa makisig na binata. Si Victor! ang paborito niyang si Victor.

"Pasensiya na aking tiyuhin, hindi na ako nakapagpapaalam sa iyo. Nakatiwangwang na kasi ang lupain ninyo nang nadatnan ko kaya inayos ko ito. Oh tingnan mo ang ating palayan, ang ating maisan! Lupain ninyo ito kaya lahat na ito ay may bahagi kayo". Sinagot niya si Victor sa mga katagang gusto na sanang sabihin kay Castelo noon: "Hindi yun nakatiwangwang Victor yun ang paraan ng kalikasan na inaalagaan ko lang. Hindi ko ginalaw yun kasi yun ang nakasanayan na nang mga ninuno natin. Isa yung paraan ng pagrespeto sa kanila." 

Tinulungan na lang ni Victor ang kanyang tiyahin sa paglalagay sa mga imahen sa loob ng bahay. Lumuhod si Amy sa mga imahen at nagsimula ng yumuko at magdasal. Magtatakipsilim na yun. Niyaya ni Amy si Victor at Fermin para makidasal ngunit di sumunod si Victor at lumabas na lang ng bahay habang hinintay matapos ang seremonyas ng tiyahin. Naghapunan ang mag-tiyuhin. Hindi na sumali si Amy sa kanila.

Kinaumagahan, narinig ni Fermin na may naghalakhakan sa bakuran. Dumating pala si Castelo at ang kapatid niyang si Luz. Hindi na niya inisturbo si Amy at bumaba na rin sa bakuran at nakihalubilo na rin sa mga kamag-anak niya. Habang nagkwentuhan sila, may biglang sumigaw sa loob ng bahay. "Sino ang dumurog sa mga imahen ko? Victor! Victor! alam kong ikaw ang may kagagawan nito! Kagabi pa alam kong kinukutya mo ang paraan ng pagdasal ko. Kaya ikaw tiyak ang dumurog sa mga imahen ko! Magbabayad ka!" Lumabas siya at dala ang itak ay sinugod si Victor.

Hinarangan ni Fermin si Amy. Pero bago pa siya nakalapit ay umalingaw-ngaw ang putok ng shotgun. Natamaan si Amy sa paa at nasubsob sa putikan. "Huwag na huwag niyong saktan ang anak ko! Mga walang-hiya kayo. Matapos ko kayong bigyan ng ikabubuhay, mga hayop at pera na nilustay mo lang ay ito ang igaganti ninyo?! Lumayas kayo sa lupain namin!" Sigaw ni Castelo.   

Ano ang mainam na karugtong sa kuwento?

9 comments:

  1. kinahanglan na ug conflict analysis..in the context of sustainable devt..brainstorming nato para naa storyahan..

    ReplyDelete
  2. naku, paano nga ba tatapusin? It started the best but eventually, kasuklam suklam naman sii Castelo...hay na lang...isip2 muna how will it end.

    ReplyDelete
  3. conflict resolution... the tragedy of the story roots from the inability of people to recognize the desires of their hearts and assert for those desires in the case of fermin... that's why it came to a point when victor and castilo disrespect him because he lacks assertiveness... fermin has to find a way to send the message across... he is back to rebuild a paradise lost... but asserting for one's self - desires and aspiration and beliefs - is not only a right but also an art... people need to learn the art of it to impress to others that assertiveness doesn't have to be violent and agitated like in the case of amy... education and diplomacy can be of help... it also helps that one has the ability to let people see one's vision without imposing it to others who get to see it... this vision may be about religion, ideology, economics, science, art, etc... einstein didn't impose himself about his discoveries, he just let people see them by asserting what he knew but did not impose people to believe him... van gogh did not impose his art but he asserted his artistic spirit by making art... i mean the best things in the world and the things that are of significance for the human race are, paradoxically, appreciated beyond their time... even our pilgrimage to nature... this is the lesson of human folly...

    ReplyDelete
  4. brainstorming jud ba... it really makes sense, reality based...unsa man jud ang issue bai? devt versus preservation? prinsipyo ug damgo sa usag usa? o ang relihiyon? hehehe... tiwasa imong storya ha kay nagsubaybay baya ko... murag komiks, hehehe...

    ReplyDelete
  5. ang mga hangarin ni castelo ang ugat ng lahat dahil ito ay nakapinsala sa pamamaraan ng kalikasan na itaguyod ang sangkatauhan sapat sa kaya nitong ibigay... sustainable use of resources sa wikang englis... walang masama sa maghangad kung ito ay magdudulot ng progresibong pamumuhay ngunit lahat ay may kaakibat na responsibilidad... hindi dapat ikubli sa inaasam na pag-asenso ang maaring ikakasira ng kalikasan dahil ito ay mahirap palitan kapag nawasak... at sa bandang huli tao pa rin ang magpaparaya at talunan... like what al gore said: the nature can take care of its self; it is the human race that is at stake... kasakiman, ito rin ang namamayani kay castelo... ngunit hindi sana umobra ano mang masamang balak meron si castelo kung si fermin ay may sapat na kaalaman at kakayahang ipaglaban ito... sa bandang huli kailangan pa rin ng masinsinang pag uusap at matiawasay na pagmumuni muni upang malutas anomang pagsubok meron sa bawat isa...

    ReplyDelete
  6. it would make the readers think who or what went wrong...i just wonder why the wife is sooo brutal, eh relihiyosa man kaha sya?

    ReplyDelete
  7. maliban pala sa "environmental aspect" eh may cultural/religious aspect pa akong nakita. handa nga ba tayong pumatay para sa ating paniniwala, at tunay nga bang nais ng ating paniniwalang pumatay tayo para rito. another thing, yung we suddenly blame others of things we are not sure of, then we act violently, eh wala pa namang proof.which does happen in real life. hehe..maraming points kasi yung pwedeng ipasok ang "who or what went wrong", like, is it right for the two magkapatids to separate?tunay nga bang walang pangarap ang kuya o sadyang mapagmalabis lang si castelo.concerned nga ba, o sadyang greedy si castelo sa usapin ng pagpapatitulo ng lupa.the pamamaril thing and the pang-aangkin..

    oh, these all happen in real life, literally and figuratively.

    ReplyDelete
  8. ito ang pwedeng mangyari sa kwento... nang matamaan ng baril sa paa si amy at iaahon ni fermin sa putikan, nais itong tuluyang barilin ng tatay ni victor bunga ng masidhing galit. ngunit ng iputok ang baril ay akma itong pinigilan ni victor dahil ayaw niya na maging kriminal ang kanyang ama... kasama na rin doon ang kanyang dagling pagsisi sa ginawa nyang pagsira sa imahe, na kung hindi sana nya ginawa ay malamang na hindi magkakagulo... ibig sabihin sya ang dahilan ng krimen ng kayang ama... at sa akma nyang pagpigil ay tumama sa kanya ang balang papatay sana sa silakbo ng damdamin ni amy dahil sa pagkasira ng kanyang mga imahe at rebolto... kasabay ng alingaw-ngaw ng sandata ni castelo ay ang pagbagsak ng katawan ni victor na nakadipa sa langit ang mga kamay sa pagnanais na maagaw ang baril... ang mga sumunod na sandali ay katahimikang walang makakarinig... nagimbal ang lahat... nasindak... nanlumo... naghinagpis... sawi... napatulala si castelo... napatakbo si luz sa kanyang anak na nakabulagta - walang buhay... binitiwan ni fermin si amy at tumakbo sa anak ng kapatid... hindi makapaniwala si amy sa nakita... ngunit huli na ang lahat... nakulong si castelo... naiwan si luz na nag-iisa at sa huli kapatid pa rin ang kanyang naging karamay... si fermin... sa paglipas ng panahong naghilum na ang mga sugat ay binisita nila si castelo sa kulungan, hudyat ng bagong buhay na may bagong pananaw mula sa aral ng mga alaala... mga aral na hindi inaasahang linangin sa isang mapait na pagkakataon ngunit nangyari... sa ating araw-araw na pagpupunyagi sa buhay upang makamtan ang makamundong tagumpay sino ka sa mga tauhang nasambit sa kwento? saan mo ihahanay ang iyong mga pagpapasya ayon sa akda ng mga pagkakataon sa kwento? may mga pagsisihan ka rin ba? may kabuluhan pa ba ang iyong mga pagsisisi o huli na ang lahat?

    ReplyDelete
  9. Truly the story is very short and simple to put an end. It’s not complicated but quite confusing since it was not conferred severely each of its characters appearances. Chattered with three aspects in life; BELIEF – LOVE – RESPECT.
    If I were to end the story it would be in this scenario. Victor was safe. Amy was dead. Castelo put into jail and reconciliation between Fermin and Luz. Fermin and Luz will live back normally to their lives as what they have accustomed together with Victor…Sir, try to make a story out that simple idea I’m sure ok siya..for some queries feel free to contact me..naks!ahahaha

    ReplyDelete