Sunday, October 30, 2011

Ang paglisan

Pilit namuhay si Fermin sa bigay na pera at mga hayop ni Castelo. Ngunit likas na lumalabas ang kanyang pagka mangangaso. Ngunit kahit anong patibong at paglilibot sa dati niyang kagubatan, wala na ang mga baboy ramo, wala na ang usa, wala na ang mga pukyutan. Unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga ibon at sarimanok sa parang at talahiban. Hindi siya marunong magpastol at mag-alaga ng hayop kaya naubos at ang iba ay namatay.  Naging malungkot si Fermin. Aanhin niya ang pera? Di niya alam.

Pinasya niyang sumangguni sa mga ninuno at sa tagapaglikha ng langit at lupa. Tumungo siya sa ilog at sa isang malaking bato nilatag ang mga alay para sa kalikasan at mga kaluluwa - isang manok na nilitson ayon sa nakagawian, insenso, mamah, kanin na binalot sa dahon ng saging, at tabako. "Mga ninuno! Halikayo at saluhan ninyo ako sa munting alay na ito". Gumawa siya ng apoy at sa ibabaw nito ay hinulog ang mga katas ng kahoy na habang tinutunaw ng apoy ay nagbibigay halimuyak ang amoy sa palibot. Ngumuya siya ng nganga na nasawsaw sa apog. Unting-unting pumula ang kanyang bunganga. Sinindihan niya ang tabako habang patuloy na nanawagan sa mga kaluluwang malapit. Walang nangyari.

Napaisip ng malalim si Fermin. Hindi mawari kung ano ang naging pagkakamali sa seremonya ngayon. Sa mga nagdaang mga kanduli, mabilis dumalo ang kaluluwa ng mga ninuno. Ang insenso at tabako ay parang pabango sa kanilang dimensyon. Ang nganga at apog ay isang paraan pakikipag-kumunyon sa mga kaluluwa sa kabilang mundo. Kaya hindi maisip ni Fermin kung bakit walang tumugon sa kanyang paanyaya. Lubos na kailangan niya ang payo ng mga ninuno.   

Sa pagod sa kahihintay, naidlip si Fermin sa ibabaw ng bato. Bigla siyang nagising ng may isang malaking hayop ang sumampa sa bato na kinaroroonan niya. Isang malaking buwaya. Isang maitim na buwaya. Yumuko si Fermin bilang pagbibigay galang sa nilalang. "Ipagpaumanhin mo Apo ang aking kapangahasan, nais ko lang pong malaman ang aking kinabukasan sa lupaing ito at ano po ang inyong payo." Iwinawagayway lang ng buwaya ang kanyang buntot at lumusob ulit sa tubig. Alam ngayon ni Fermin ang madilim na hinaharap niya. Kung puti lang sana ang kulay ng buwayang nagpakita sa kanya.

Malungkot siyang bumalik sa kanyang dampa. Ngunit sa pag-apak niya sa hagdanan ay kamakalug-kalog ang kanyang bahay. Pumiglas palabas ang mga bayawak mula sa loob ng kanyang dampa. Ito ay isang sumpa! Ang isang bahay na pinupugaran ng mga bayawak ay sinumpa! Agad-agad siyang gumawa ng apoy at sinimulang sunugin ang kanyang bahay. Mabilis na kumalat ang apoy sa kogon na atip. Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan at naapula ang sunog. Hindi gusto ng mga ninuno ang nais niyang gawin.

Tumingala siya sa langit at humingi ng patnubay. Humingi ng palatandaan. Nakapikit siya nang maramdaman niya ang mainit na haplos sa kanyang mga pisngi. Naalalala niya ang haplos ng kanyang ina noong maliit siya. Sa kabila ng dagundong at malakas na ulan ay humawi ang ulap at naaninag ni Fermin ang araw. Ang init at sinag nito ay nagbigay sa kanya ng ibayong lakas. Doon niya nakita ang mga ibong nagsilabasan sa kagubatang unti-unting ng nakalbo. Animo'y nag-aanyaya sa kanyang lumisan sa lupang minana niya.

Ang agila ay umikot-ikot at tumungo sa direksyong silangan. Ang ibig bang sabihin kailangan din niyang tahakin ang direksyong ito? Sinundan niya ang mga ibon. Nagpapalitan ang ambon, hangin at araw sa kanyang landas. Tanda ng basbas, kaginhawaan at pagbibigay lakas sa kanyang paglalakbay. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa dako pa roon. Sapat na sa kanyang malaman na may patnubay siya mula sa Tagapaglikha.


(Ang kuwentong ito ay may kinalaman sa naunang kwentong "Si Luz at Fermin") 

Friday, October 28, 2011

Sino nga ba si Mampurok?

"Panahon pa yan ni Mampurok!"

Malimit naririnig mo yan para sabihing luma o di kaya matagal ng nakabaon sa limot ang isang ideya.

Sino nga kaya si Mampurok? Di ko alam kung may kinalaman ang kwento ko ngayon sa madalas na pinag-uusapan ng aming mga nakakatanda. Bumalik sa aking isipan ang pangalang ito ng minsan napagala ako sa internet ukol sa imahe ng mga Manuvu sa isang librong "Mindanao on the Mend" - na naglalahad ng mga kontemporaryong pamumuhay ng mga Manuvu sa anino ng bangayan sa pagitan ng mga rebeldeng Maguindanaoan at mga hukbo ng pamahalaang sentral ng Pilipinas.

Heto ang kwento:
Noong panahon daw ng mga Amerikano, merong isang pamayanan sa Bentangan, Carmen, North Cotabato na naging sentro ng pamumuhay ng mga manuvu. Sa panahong ito, inuutos ang sapilitang pag-aaral ng mga tao sa sistemang edukasyon ng mga kano. Marami sa mga Datu ng Maguindanaon ang sumunod sa panawagan na ito. Sino nga ba ang hindi ma-enganyo sa makabagong sistema ng edukasyon na libre? Isang bagay na pinagkait sa atin ng mga Kastila. Sa banderang dapat hindi tayo maging mangmang kaya maraming mga magulang ang pinadala ang kanilang mga anak para mag-aral.

Ngunit marami sa mga katutubo ang takot sa pagbabagong ito. Kaya imbes na hahalo sa mga kapatid na Maguindanaoan at Kristiyanong kolono (ang tawag sa unang mamamayang nagmula sa Luzon at Visayas), minabuti ng mga Manuvu na manatili sa kabundukan at mamuhay sa paraang alam nila. Lingid sa kaalaman nila, ang pag-iwas na ito ay isa palang krimen sa mata ng mga namamahala.

Sa pagtayo ng kanilang sariling pamayanan, ang mga Manuvu sa lugar na ngayon ay tinawag na Bentangan ay namuhay ayon sa tradisyon, may sariling paniniwala na napaloob sa "Langkat" at ang sentro ng pamahalaan ay nakapalibot sa paniniwalang ito. Ang "Bintana" ay ang kapilya ng samahang ito at lahat ng mga batas, seremonyas, at ritwal ay nakapalibot sa estrukturang ito. Kung sa batayan ng mga nag-aaral ng politika, ang pamayanang ito ay isang estado na may malayang estrukturang pamahalaan o isang uri ng theocracy. Angkop ang sistemang ito sa kapanahunang yaon. Natulungan ng relihiyon ang pag-aalaga sa kalikasan. Kumbaga merong balanse ng progreso at kalikasan. Ang pamayanang ito ay pinamunuan ni Mampurok.

Ngunit naging suliranin ang sumusunod na mga taon. Marami sa mga kapatid na mga Maguindanaon ang ayaw pasakop sa pamahalaang Amerikano. Umalis sila at nakituloy sa pamayanang Manuvu sa Bentangan. Sagana ang Bentangan. Kaya mas lalong dumami ang umalis sa patag at tumira sa kumyon ng mga Manuvu. Bagamat taliwas sa paniniwalang Islam, ang mga Maguindanaon ay natuto sa sistemang Langkat. Sa panahong iyon, survival ang importante. Oo nga naman, sa panahong iyon. Mas sagana daw ang Bentangan kesa sa Pikit. Kahit yung ibang mga Manuvu sa ibang lugar ay lumipat din sa Bentangan. Naging marami ang tao sa Bentangan. Bagay na nagbibigay ng alinlangan sa mga Datung Maguindanaoan at pamahalaang Amerikano.

Pinalala ang sitwasyon na naging malawakan ang pagnanakaw ng baka at kalabaw mula sa mga rancho ng mga Kristiyano at Maguindanao sa kapatagan. At lahat ng magnanakaw ay di umano ay nagtatago sa Bentangan. Sa mata ng pamahalaan, ang Bentangan ay nagkakalong ng mga magnanakaw at suwail sa utos ng national integration. Sa mata ng mga Datu, ang Bentangan ay simbolo ng pagkaubos ng kanilang mga tauhan. Sa ngalan ng batas, kailangang disiplinahin ang Bentangan.

Ang pamahalaan ay nagpadala ng isang pulutong ng Philippine Constabulary sa pamumuno ni Lt. M. Sa ngalan ng kaayusan at batas, "nilipol" ng grupo ni Lt. M. si Mampurok at ang buong Bentangan. Madali nilang nagupo ang Bentangan kasi sistemang Langkat, bawal ang sandata sa loob ng pamayanan. Ano ang panama nila sa makabagong sandata ng mga PC kung ang mga Manuvu ay walang sandata? Isang masaker! Isang masakit na kabanata sa kasaysayang Manuvu. Ngunit sa kasaysayan ng pamahalaan, isang pagwagi laban sa "bandidong" si Mampurok at "alipores" nito.

Hindi ko alam kung sino ang nagsabi ng katotohanan. Pero ang alam ko isa sa mga dalagita na naka-survive sa ordeal na yun ay ang lola ko. Sa ngayon, bawat sabado ay patuloy pa rin ang pagsasayaw at chants sa tradisyong Langkat sa Bentangan. At bawat marso, umaakyat ang mga matatanda sa amin para sariwain ang pangyayari. Sa mga Kristiyano at Moro, si Mampurok ay nakabaon na sa limot. Pero sa puso ng isang Manuvu, laganap ang mga mampurok.


Sunday, October 23, 2011

Si Luz at Fermin


Nakaratay sa silid ang ama nila Luz at Fermin. Inihabilin ng ama nila ang kanyang ari-arian. "Ikaw Fermin ibinibigay ko sa iyo ang lupaing bandang timog. Yung nasa hilaga ay ibibigay ko kay Luz. Total siya ang babae, inihabilin ko na rin ang dampa natin sa kanya." Nung pumanaw na ang kanilang ama, minabuti ni Fermin na bumukod na sa kanyang kapatid at kagaya ng inihabilin ng kanyang ama, binigay nya sa kanyang kapatid ang kanilang bahay.

Nagtayo si Fermin ng dampa sa may paanan ng bundok. Sagana sa isda ang batis. At hitik na hitik sa bunga ang mga mangga. Pumitas siya ng iilan at ninanam ang tamis ng mga mangga. Naalala niyang paborito ng kapatid nya ang mangga kaya't itinabi nya ang iilan para sa kanyang kapatid. Binibisita niya ito linggo-linggo. Masagana ang buhay ni Fermin. Sa isang linggo ay nakakuha siya ng baboy-ramo sa gubat, paminsan-minsan ay usa. May mga saging at iba't-ibang prutas na likas na tumutubo sa kagubatan. Paminsan-minsan sinusundot nya ang pukyutan para aani ng pulot. Ang kanyang kaingin ay mainam pagtamnan ng palay na ang bango ay sadyang kanais-nais. Kahit yaong talahiban at parang ay sagana rin sa mga manok at ibon. Malimit ang kanyang mga patibong ay nakakakuha nito. Ito ang buhay ni Fermin. Araw-araw ay pinapasyalan ang gubat, talahiban at inuusisa ang mga patibong. Namimingwit o di kaya ay naliligo sa batis. Isang paraiso!

Ang sobra sa mga patibong niya ay dinadala nya rin sa kanyang kapatid na si Luz. Maganda rin ang buhay ni Luz. Napapalibutan ang bahay ng mga bulaklak at mga gulay. Kagaya ng kanyang kapatid ay may mga patibong din siya sa gubat na nagsusustento sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit sadyang mas magaling ang kanyang kuya sa larangang ito dahil sa mas malaki ang nakukuha niya. Ngunit hindi naman gaano marunong magluto ang kanyang kuya. Kaya napipilitang bumibisita ang kanyang kuya sa kanya para makahigop ng sabaw at malinamnam na lutuin na sadyang si Luz lang ang may alam. Si Fermin ang nagdadala ng mga rekado - karne, gulay, bigas at si Luz naman ang taga-luto. Linggo-linggo animo'y piyesta kung nagtatagpo ang mga kapatid.

Di naglaon, merong napadpad na isang binata sa lugar nila. Ang pangalan niya ay si Castelo. Nabighani siya sa ganda ni Luz. Nagkaigihan rin ang dalawa. Hiningi ni Castelo ang kamay ni Luz mula kay Fermin. Masipag naman si Castelo kaya tinanggap ni Fermin at binigyan ng pahintulot na maging asawa niya si Luz. Sa puntong yun, naging kampante na si Fermin na mayroon ng mag-aalaga kay Luz. At bumukod ng tuluyan si Fermin at naninirahan sa kanyang munting paraiso. Hindi likas na mangangaso si Castelo ngunit masipag siya at madiskarte. Binungkal niya ang talahiban at tinaniman ng mais. Nilagyan niya ng deke ang palibot ng batis at nilagyan ng tilapia ang mga ito. Ang sapa ay nilagyan niya ng harang at ibang bahagi ng talahiban ay ginawa niyang sakahan ng palay.

Binenta nya ang mais at umangkat siya ng baboy at nilagay sa kulungan sa likod ng bahay. Iilang buwan lang ang nakalipas nakaanak na rin ang inahing baboy nila. Ibinenta nila ulit ito at bumili ng kalabaw. Naging mas masigasig na si Castelo sa pagbubungkal at pinalawak niya lalo ang kanyang sakahan ng mais at palay. Di nagtagal at nakabili na rin sila ng mga baka at mga kambing na pinapastol sa parang. Sadyang pinagpala sila ng Poong Maykapal at binigyan din sila ng isang supling, si Victor. Lalong nagpursige si Castelo na mapalago ang kanilang pamumuhay. Naisip nya isang araw na kailangang baguhin na nila ang kanilang bahay. Kumuha niya ng mga kahoy sa gubat at nagpatayo ng isang matayog na bahay na gawa sa Narra.

Minsan, bumisita si Fermin sa kanyang kapatid. At laki ang pagkamangha sa pagbabago ng dati nilang lugar. Nakikita niya na iba ito sa kanilang kinagigisnan. Ang dati nilang dampa ay isang napakalaking bahay na. Binati nya ang kanyang bayaw sa tinamo nitong tagumpay. "Bunga ng pawis at pagsisikap, bayaw". Nang umuwi na si Fermin, hindi nya lubos maisip kung gusto nya ring gayahin si Castelo. Ngunit ang lahat ng kanyang pangangailangan ay andito na: pagkain, sariwang tubig at iba pa. Ano pa ba ang hilingin niya? Kaya nilublub na lang niya ang sarili sa gawaing nakasanayan na. Sa kabilang dako, nasambit rin ni Castelo kay Luz na "yung kuya mo ay tamad at walang pangarap sa buhay".

Isang araw, may mga bisita ang mag-asawang Castelo at Luz. Mga kababata ni Castelo mula sa ibayo. Nakita nila ang bahay at ang mga kagamitang narra ni Castelo. Sinabihan nila si Castelo na yayaman siya lalo kung magbebenta sila ng narra sa bayan. At yun ang ginawa nila. Pinutol nila ang mga narra sa kagubatan pati na rin yung ibang kahoy na pwedeng pakinabangan at binenta sa bayan. Limpak-limpak na salapi ang kinita ni Castelo kaya bumili na rin siya ng sasakyan. Naisip nya rin kailangan niya ito para sa paghatid ng mga produkto.

May bali-balita na kailangan na daw na patituluhan ang mga lupain alinsunod sa nakatakda sa batas. Kaya pinaghandaan na ni Castelo ang mga kailangang patunay para tuluyan na nilang maging pag mamay-ari ang lupain nila. Dito naisip ni Luz ang kanyang kapatid. "Alam kaya ni kuya ang bagong patakaran na ito?" Ngunit ang pambayad sa surveyor at sa gobyerno ay sapat lang sa pagpapatitulo sa iisang lupain gaano man kalawak ito. "Ano kaya kung isali na lang natin ang lupa ng kuya mo sa patituluhan natin? Kumbaga isang gastuhan na lang". Kaya pumunta sila kay Fermin kasama si maliit na Victor at mga surveyor. Tinanong ni Fermin si Luz kung ano ang ginagawa ng mga taong kasama ni Castelo. Sinagot niya na para matituluhan ang lupang minana nila sa mga magulang nila. Napatango na lang si Fermin at hindi na nagtanong pa. Aliw na aliw siya sa kanyang pamangkin. "Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa kuya?". Di na umimik si Fermin. Pagkatapos ng pagbisita nila kay Fermin ay agad inasikaso ang mga papeles sa titulo at naipangalan ang dalawang lupain sa iisang titulo sa pangalan ni Castelo.


Malawak ang kagubatan nila Luz at Castelo ngunit unti-unti na ring nauubos ang mga narra nito. Kaya iyong ibang klase ng mga kahoy na naman ang pinutol niya. Habang paubos na ang pinagkakakitaan niya ay lalo siyang nag-alala sa kinabukasan ng pamilya niya. Ang palayan at maisan naman niya ay hindi na gaanong masagana kasi wala ng tubig ang dumadaloy sa mga sapa. Kailangan niyang makaisip ng diskarte. Doon nya naisip ang kagubatan ni Fermin.

Binisita niya ulit si Fermin at inalok na ibenta sa kanya ang mga kahoy na narra. Kahit maghati pa sila sa kikitain ay kikita pa rin kahit papano si Castelo. Ngunit nag-aalinlangan si Fermin kasi ang kagubatan ang pinagkukunan niya ng mga, pulot, baboy-ramo at usa na pagkain niya. Inalok ni Castelo ang kalahati ng kanyang bakahan, isang daang sakong asukal, lahat ng mga kambing at kunting bahagi ng kanilang kikitain kapalit ng mga kahoy sa kagubatan . Pumayag na rin si Fermin. Pinutol na nga ni Castelo ang mga puno sa kagubatan.

Pagkatapos noon, pilit namuhay si Fermin sa bigay na pera at mga hayop ni Castelo. Ngunit likas na lumalabas ang kanyang pagka mangangaso. Ngunit kahit anong patibong at paglilibot sa dati niyang kagubatan, wala na ang mga baboy ramo, wala na ang usa, wala na ang mga pukyutan. Unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga ibon at sarimanok sa parang at talahiban. Hindi siya marunong magpastol at mag-alaga ng hayop kaya naubos at ang iba ay namatay.  Naging malungkot si Fermin kaya bumaba siya sa bayan. Naging kargador, boy, at iba pang mga gawain para makalimutan ang kanyang nawawalang paraiso. Dito na rin nya nakikilala si Amy, isang relihiyosang babae na naging asawa niya. Ngunit, sadyang hindi nya matiis na hindi makita ang kanyang paraiso kahit hindi na ito ang dati nitong anyo. Sa isip niya kaya pa niyang ibalik ang kanyang paraiso.

Kinumbense niya ang kanyang asawa na bumalik sila sa bundok. Pumayag ito basta tangan-tangan nila ang mga estatuwa at mga imahen ng mga santo. Tinahak ng mag-asawa ang bundok kalong-kalong ang animo'y isang kapilya. Nang nakarating na sila sa lupain ni Fermin, laking gulat na lang niya na may nakatayong isang malaking bahay sa dati nitong dampa. Paglapit niya sa bahay ay naaninag niya ang mukha ni Luz sa makisig na binata. Si Victor! ang paborito niyang si Victor.

"Pasensiya na aking tiyuhin, hindi na ako nakapagpapaalam sa iyo. Nakatiwangwang na kasi ang lupain ninyo nang nadatnan ko kaya inayos ko ito. Oh tingnan mo ang ating palayan, ang ating maisan! Lupain ninyo ito kaya lahat na ito ay may bahagi kayo". Sinagot niya si Victor sa mga katagang gusto na sanang sabihin kay Castelo noon: "Hindi yun nakatiwangwang Victor yun ang paraan ng kalikasan na inaalagaan ko lang. Hindi ko ginalaw yun kasi yun ang nakasanayan na nang mga ninuno natin. Isa yung paraan ng pagrespeto sa kanila." 

Tinulungan na lang ni Victor ang kanyang tiyahin sa paglalagay sa mga imahen sa loob ng bahay. Lumuhod si Amy sa mga imahen at nagsimula ng yumuko at magdasal. Magtatakipsilim na yun. Niyaya ni Amy si Victor at Fermin para makidasal ngunit di sumunod si Victor at lumabas na lang ng bahay habang hinintay matapos ang seremonyas ng tiyahin. Naghapunan ang mag-tiyuhin. Hindi na sumali si Amy sa kanila.

Kinaumagahan, narinig ni Fermin na may naghalakhakan sa bakuran. Dumating pala si Castelo at ang kapatid niyang si Luz. Hindi na niya inisturbo si Amy at bumaba na rin sa bakuran at nakihalubilo na rin sa mga kamag-anak niya. Habang nagkwentuhan sila, may biglang sumigaw sa loob ng bahay. "Sino ang dumurog sa mga imahen ko? Victor! Victor! alam kong ikaw ang may kagagawan nito! Kagabi pa alam kong kinukutya mo ang paraan ng pagdasal ko. Kaya ikaw tiyak ang dumurog sa mga imahen ko! Magbabayad ka!" Lumabas siya at dala ang itak ay sinugod si Victor.

Hinarangan ni Fermin si Amy. Pero bago pa siya nakalapit ay umalingaw-ngaw ang putok ng shotgun. Natamaan si Amy sa paa at nasubsob sa putikan. "Huwag na huwag niyong saktan ang anak ko! Mga walang-hiya kayo. Matapos ko kayong bigyan ng ikabubuhay, mga hayop at pera na nilustay mo lang ay ito ang igaganti ninyo?! Lumayas kayo sa lupain namin!" Sigaw ni Castelo.   

Ano ang mainam na karugtong sa kuwento?

Sunday, October 9, 2011

Poorbinsyal nga! (kaya?)

Una nako nakab-ot ang kagawasan sa akong panghuna-huna sa dihang mitunob ko sa Panabo Provincial (National na karon) High School. Lahi siguro ang mga kasinatian sa uban mahitungod sa ilahang edukasyong sekundarya apan sa akoa ang akong pagtuon sa PPHS mao ang unang pagkasinati sa ginatawag nga "academic freedom" o "freedom of the mind".

Ang among eskwelahan dili usa ka eskwelahan sa mga dato. Sa first year pa lang namo, nagmantinir lang ug mga classroom sa ilawom sa bleacher sa municipal gymnasium (ang bag-ong terminal na karon). Mukatkat sa koral o kundili mohunghong sa mga buslot ug mopalit ug maruya nga ginabaligya sa kilid.

Bisan tuod nagkagidlay ang among mga classrooms niadto, dili masuklian ug bahandi ang mga gitudlo sa among mga maestro ug maestra. Bisad tuod nagkamuritsing ang among mga hitsura niadto tungod sa kapobrehon, dili kadto nahimong babag para makab-ot namo ang among mga pangandoy. Kung unsa kami karon, walay duda, dako ang naambit sa edukasyong PPHS.

Sa hisgutanang Math ug Science, dili palupig ang among mga maestra. Kahinumdum ko nga daw sisiw lang ang akong algebra ug trigo sa College kay naa koy maayo nga pundasyon sa high school. Nakatuon ko ug trigo pinaagi sa music. Biology, Chemistry, Physics dako usab nga tabang. Bisan tuod wala kami mga aparatus niadto (microscope, etc.) Apan daghan ang among natun-an sa mga practical nga mga pamaagi sa pagtudlo sa among mga maestro. Kahinumdum ko nga naga-itsa-itsa mi ug mga bola o sinsilyo para mag-measure ug gravity, etc. Enjoy bisag init sa grounds (dili pa covered court).

Nahimo usab kaming mga creative kay creative man pud among mga teacher. Adunay pa mi teacher niadto nga manghatag ug point kung kinsa ang magsuot ug pula - tshirt, pantalon o underwear! Basta Valentine's Day ang PPHS pula gayud! Nakatilaw pud ko ug embroidery, crochet ug uban pang pang home arts. Kalingaw kay ang mga macho ningkamot ug pasulod sa dagum. Kantyawanay pa ko kung kinsa kurog ug kamot! Kahinumdom pud ko nga gipabuhat mi ug peacock nga binuhat sa coconut shell. Tapos varnish-an. Gitagaan mi ug pattern. Sa akong pagka-creative ang gibuhat nako kay parrot ug naay water color bag-o gi-varnishan. Not following instruction! Apan dako ang gihatag nga grado sa akong maestro kay unique ug creative daw ko! 

Sa pagsulat, dako ang akong natun-an sa campus journalism. Sa akong second year, nahimo na ako nga news editor, ug duha ka tuig ko nahimong editor-in-chief sa Panacea. Siniryoso kaayo ang among campus journalism niadto kay usahay mo-apil-apil mo ug hisgot sa mga katikarang politikal sa munisipyo. Mitukod kami niadto ug community newspaper bisan high school pa lang. Naa pay higayon nga miadto mi sa pantalan kay mag-interview sa kinabuhi sa usa ka buring. Daw correct jud mi niadto! Apan dako ang akong pagdayeg sa mga administrator sa PPHS niadto kay bisag tuod ginaatake namo ang eskwelahan sa kakulangan niini, tim-os gihapon ang ilahang suporta sa amo. Naa pa mi usa ka issue nga full spread nga caricature mahitungod sa amoang campus - "Poorbinsyal nga". Makita sa cartoons ang walay koral ug siguridad sa New Site, ang problema sa adik-adik, etc. Apan dili nasuko ang among mga maestro, maestra ug principal. Miapil pa ug katawa! Hinuon, pwede nila gamiton kadto para makakuha ug pondo para sa pagpalambo sa campus. Ang paghatag nila sa amo ug dyutay nga kagawasan para maipagawas namo ang among opinyon, nagdevelop sa amo nga critical thinker. Unique ang among experience sa PPHS niadto (dili gani nako matandi sa college he he kung academic freedom ang hisgutan). Of course, dili kami kamao mosulat kung dili pud hawod ang among mga english (SVDO, etc) ug mga panitikan kag inilonggo nga Filipino.

In terms sa leadership, Na-SBO president usab ko. Lingaw usab kay amoang batch ang unang mibuhat ug Constitution and By-Laws nga kami-kami lang. Lingaw ang among organizational structure kay naa mi Senate, House of Representative, unya Supreme Court. Ginapraktis namo ang pagbuhat ug bills, resolutions, etc. Buot-buot lang pud mi ug minimal ra kaayo ang intervention sa adviser. Mangutana lang mi kung wala mi nasabtan. Nakat-unan namo nga mahimong independent.

Apan bisan sa pagka-free namo, disiplinado usab kami. Pag-abot namo sa fourth year high school, usa kami sa mga hawod nga CAT unit sa probinsiya. Sa pagkadaghan namo, dili batcom ang tawag sa among lider kundi divcom (division commander). Pirting dugaya sa pasa sa command. First Sergeant lang ko sa una kay daghan na kaayo ko extra-kuri-kuri. Give chance to others kumbaga. Pero mas lingaw ang first sergeant kay duol ra sa mga gwapa mga medic ug majorette.

Apan labaw sa tanan, ang among mga teachers matinabangon ug taas ang pasensiya. Kahinumdum ko nga adunay higayon nga usa bulan ko nga walay sulod-sulod sa klase kay attend ug convention sa Baguio, apil ug quiz bee, attend of press conference, FFP, etc. Ila akong gitagaan ug higayon nga mag-make up class pinaagi sa paghatag ug mga class notes. Bisan tuod mga badlungon mi niadto, sa among mga kritikal nga opinyon, giaagak gihapon mi nila para matapos namo among high school sa pinakamaayo nga sirkumstanya. Bahala na Poor basta Providential man pud.

Creativity. Independence. Critical Thinking. Discipline. I owe it to PPHS. Panabo Provincial High School, pangalang di malilimot. Nagiging kabahagi... matod pa sa school hymn. Salamat, Maam, Sir. 

Thursday, October 6, 2011

Tsinelas

Ang pakikipagsapalaran ko sa Cagayan Valley ay hango sa tsinelas. Marami na ring tsinelas ang dumaan sa akin. Lahat sila'y may kanya-kanyang kwento. Actually, naginghabit ko na rin ang magbili ng tsinelas sa pook na memorable. Pero sa artikulong ito, mga kwento ng mga tsinelas ko sa Isabela.

Blue World Balance slippers - Gusto ko talaga ang tsinelas na ito. Fit na fit sa aking paa at mukhang tigasin. Kaya ito ang ginamit ko sa field trip na yun. Field trip talaga sa bundok ng Ilagan, Isabela. Naglakad kami kasama na mga magsasaka mahigit na apat na oras sa mga sakahan nila. Mga Bacras sa Ilokano or Bakilid sa bisaya. Napasubo ata ako nito. Akyat pababa, paikutoikot pa. Lusob dito, Lusob doon. Pero proud pa rin akong naglalakad. Ganda kaya ng tsinelas ko. Nagbiglang nag-snap ang tsinelas ko! hu hu. Bumigay si WB! I have to walk barefoot. Sa nipis ng kubal (pasensiya na, di ko alam ang tagawog nito) sa aking talampakan, hardwork ang paglalakad. May naawang isang magsasaka at pinahiram niya sa akin ang tsinelas niyang Duralite. Oo nga ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga magsasaka sa Isabela at Cagayan ay Duralite ang tsinelas. And it comes in different striking colors pa!

Ganito rin ang naging kapalaran ng aking Kaypee sandals na binili ko pa sa Zenco footstep sa Tuguegarao. Ang kaibahan nga nakangiti ito nang nagretire. Kaya sa pangalawang Kaypee ko, pinatahi ko na talaga. Tumagal-tagal din kahit papano. Pero di naglaon nakangiti na rin. Kung smiling footwear ang pag-uusapan wala na sigurong makakadaig sa Reebok Green shoes (binili ko yun sa US!). Naglalakad kami sa liblib na bahagi ng Penablanca, Cagayan. Ang mga daan dun ay gawa sa limestone. Sa init ng panahon (ang Cagayan ang pinakamainit na lugar sa Pinas), sabayan pa ng limestone ay napakainit talaga! Unti-unti kong naramdaman na nalulusaw na ang rugby sa suelas ng sapatos ko. Pagiwang-giwang ang lakad ko. Pilit ko na lang na isabay ang aking paglakad  kung saan hahantong ang suelas na naaagnas! Feeling ko nag-skating ako. Ayaw kong mag-paa na lang kasi mas mainit nga ang daan.    

Kaya napilitan akong bumili ng matibay-tibay na tsinelas. Saktong nag-sale ng Sandugo sa SM. Kaya meron na akong bagong Black Sandugo. Nakakapanibago ang tigas nito at ang ingay ng tagatak kapag nagalakad ka sa semento. Mukhang ako nga lang ang may Sandugo sa campus he he. Bibisitahin ko sa field noon ang aking olandes (dutch) na estudyante. Ang sabi magdadala daw ng mga sako ng soil samples palabas ng Sindon Maride (ang aking field site sa Isabela). Kaya minabuti ko na ring sunduin sila. At gamit ko na ang mag-to-two weeks pa lang na Sandugo. Tagatak-tagatak.

Duralite, No. 1 footwear in Isabela
Kung mamalasin ka nga naman at ang tagal ng bus. Sa dami ng sako na dala namin, hindi kami pwede sa van. Yung ibang bus naman ayaw pumara sa amin. Kaya nagdesisyon kaming mag-tricycle na lang mula Ilagan hanggang Cabagan (mga 50 km). Mga 8 pm na nun. At kaming tatlo ay antok na rin. Kay sarap ng simoy ng hangin. Nasa back-ride ako at pilit kinakausap ang driver. Mahirap ng makatulog ang driver na ito. Sa mag-iisang oras na biyahe, nagmanhid din ang balakang at paa ko. Hay salamat nakarating din kami sa ISU campus. What a trip! Noong bumaba na kami sa tricycle may napansin akong kakaiba sa paa ko lalo na kung nakalapat ang kaliwang paa ko sa buhangin. Teka wala na pala ang isang pares ng Sandugo ko! Di ko namalayang nahulog pala dahil sa pagkamanhid ang aking mga paa.


Ang tumagal lang na tsinelas ko sa Isabela ay pekeng Havaianas (gamit pambahay) at ang walang kakupas-kupas na Duralite (ayan kasi bakit ayaw pang sumunod sa pauso ng magsasaka!). In fairness, maganda ang Duralite. Soft at magaan sa bulsa. Magaan ding isali sa baggage mo. Ginagamit na rin ni misis ang duralite ko. Kaya ngayon dito sa Netherlands, ang tsinelas ko ay Sandugo na handmade (meron bang handmade ang Sandugo?) na binili ko sa gilid ng daan noong nag-camping kami ng anak ko sa Bulatukan noong isang taon.

Marami din akong natutunan mula sa magsasaka sa Isabela. Isa na doon ang pagpili ng matibay na tsinelas.

My turtle mind

If there is one person you will find weird, that would be me. I actually lived in two worlds. A world within my mind and a world with you. And I like to live in both worlds. Think of me as a turtle. A simple poke, I would retreat to my own portable house.

When I am in the comfort of my mind,  I am happy. I am sad. I am angry. I am disappointed. I am inspired. I can be the person I would like to be. My mind is like a bed of ideas. A launchpad of causes and struggles. It soothes the pain I felt. Creativity is everywhere. Poems, songs, dances. The sky is blue. The sun shines brightly. Of course, there are distress, a call for help. But in my mind, everything's curable. And the sun shines again.

But not all is beautiful. The pain I felt is sometimes become a cloak of darkness. I become authoritative, I become the boss. I like to struggle, I like to fight back. I will be the meanest perfectionist person you will ever know. Above the admirable dimples and smiles are the lurking crosshaired eyebrows that is enough to make you shaking with fear. This is the state of mind I often struggle with. And I want to use it towards something good. I want to use this aggressive stunt to compel change in the society - the ideal society in my mind. It will be uphill struggle and thousands would frown at me. Who is this guy who pretends to know everything?

Now, if you have read this far. You must have already took a glimpse of my mind-world. In this case, two is a crowd. Let us go out and swim through East Australian Current! I need to find Nemo in the care-free world outside my mind.

Wednesday, October 5, 2011

BatMan Returns

(This article was written for the USM Newsletter,  October 1, 2005. You can also read the prequel article - My mission is to return)

I could still recall the moment I received a call from the Philippine-American Educational Foundation informing me that I was among the candidates for interview for the Fulbright-Philippine Agriculture Scholarship Program. At that time, being considered for interview was already an honor on my part. I could not imagine the joy I felt when more than a year from that momentous call, I heard the words from a stern looking immigration official saying “Welcome to the United States” after stamping “Admitted Los Angeles” on my passport. From a distance, custom officials yelling “Do you have bah-gow-ong, mangoes, etc…?” I said to myself, “Hey Willie, meet Uncle Sam”.

Academic Pursuit

I pursued Master of Science major in Biological and Agricultural Engineering at the Department of Biological and Agricultural Engineering, North Carolina State University, Raleigh, North Carolina, USA. Specifically, I concentrated on Environmental Engineering and took Civil Engineering as my minor. I started August 2003 and graduated on May 2005. I was able to finish my program in less than two years. The time spent for academic completion is shorter than the usual BAE graduate student length of stay in the department. Even with this shorter duration, I was elected to the Gamma Sigma Delta – The Honor Society for Agriculture for my scholastic and research performance.
The Biological and Agricultural Engineering (BAE) Program at NC State University is ranked number sixth in the US. Being such an excellent program, the department expected the best from us in both coursework and research.
My stay at NCSU was under the constant guidance of three prominent environmental engineering professors in the university: Dr. Thomas Losordo (Co-chair), Dr. Philip Westerman (Co-chair), and Dr. Francis de los Reyes III (Member).
            With support from the US Department of Agriculture – Cooperative State Research, Education, and Extension Service (USDA-CSREES), I conducted my thesis entitled “Denitrification of Aquaculture Wastewater using Agricultural by-products as Biofilter Media.” This research posed significant potential application in the Philippine agriculture and fisheries. I was able to show that we could use naturally-occurring organic substances to facilitate nutrient removal from a high-nitrate wastewater. This is alternative to expensive plastic beads commercially available for current industry practice.
Instead of using wheat straw and wood chips as used in my study, my research can be extended with the use of rice straw, grasses, coconut coir, corn cobs, etc. The Philippines is endowed with these rich agricultural biomasses that can be tapped to enhance environmental quality. As much as possible, I do not want to be a “hostage of technology” when going back to my country. I believe with minimal support, I would be able to replicate my study in a Philippine setting.



Cultural Experience and Professional enhancement

Miami. The Gateway orientation at the Florida International University gave me a glimpse of the culture of both US and other countries around the globe. We made a number of acquaintances. It was also a good opportunity to look at the famous Miami and South Sea beaches. The bond of Pinoy Fulbrighters was further strengthened there.
Washington, DC. Twice I have gone to DC – a personal and a business one. The latter visit was when I attended the Fulbright Enhancement Seminar on February 11-15, 2004. It was good to meet new friends from different countries. Our theme was thought-provoking and highly political. We discussed about the role of information technology in democracy.
Trips to the North Carolina Beaches, to the Blue Ridge Mountains. One of my advisors also toured me to Fort Macon - a major fortification during the Civil War as well as during the World War II. I have learned the degree of sympathy of the Southerners towards their Confederate ancestors.
            Before the Atlantic Beach, we were able to visit Kure Beach at Wilmington, NC the place where the series Dawson’s Creek was shot. The area is also a major confederate town and so relics of the Civil War were also well-preserved. In fact, until now a lot of houses in the area have big Confederate Flags hanging. We were able to learn more of the American heritage by knowing Lincoln’s Union and Davis’s Confederate soldiers’ war time stories and struggle. It help me understand why Americans are so patriotic.
            North Carolina is not only known for its beaches, it has also the mountain ranges to boast of. I am lucky to have gone one of them and witnessed the colored foliage during the Fall of 2004. It was such a pleasant experience! It made me craved to climb Mt. Apo. The mountains were also witness to the Trail of Tears of the American Indians – a tale of the brutalities of war between American soldiers and the Indians.
The Wolfpack experience. My stay at the NC State University is nothing if I haven’t experience the Wolfpack craze. I have witnessed how Americans loved football in a most fascinating way. We are not just lucky to be ranked in national football rankings. But our basketball team was just great being on the Sweet 16. We are quick to admit that the best collegiate basketball teams are from the Tobacco Road. My Wolfpack experience allowed me to appreciate sports. That’s one of the reasons I made good in the recent faculty and staff meet pep talk, kidding aside.

I am going back to USM

            Several friends have often asked me, “why did you come back?” Americans taught me to love one’s country. I must say that we are far better in terms of natural resources. We just don’t know how to appreciate our blessings. My expertise should be there where it is needed the most. Americans don’t need me. Filipinos do. My return is a way of giving back, a salute to those who believe in me. I am a Manuvu. I believe a Tri-Peoples University like USM deserves another BatMan (Batang Manuvu)

Sunday, October 2, 2011

ilong tuwapos sa museo

Usahay taas ang atong paglantaw sa mga nasod nga industriyalisado ilabi na sa mga nahimutang sa kasagpan. Apan bisan sa ilahang kahimtang, aduna gihapoy mga istorya sa pagpahimulos. Bisan usa ka edukado ang usa ka sosyodad, naay mga kakulangan gihapon kay tao man usab sila parehas nato. Apan dako ang ilang natun-an sa ilang ngitngit nga kagahapon.


Ang kan-anan sa sulod sa usa ka orphanage
Ang courtyard sa usa orphanage











Nagasuroy-suroy ko niaging semana ug natingala ko sa mga balay nga adunay "hof" sa tumoy. Akong nabal-an sa historya sa Leiden nga ang mga "hof" mao ang mga balay dangpanan sa mga ilo niadtong mga 1600s. Ug dili lang usa ka panimalay ang naay mga ilo niadtong panahon, apan dili maihap sa akong mga tudlo ang mga establisimiento nga kani. Ug sa usa ka balay, halos mogatos pud ang mga bata. Pagkadaghan ba gud ani sa gamayng lungsod! Tungod ba kay nangamatay sa giyera ang mga ginikanan nila?  Sa akong pagkaususiro, nangutana ko ngano nga daghan man ang mga balay-dangpanan diri niadto. Maayo na lang kay adunay museo para sa mga ilo. Nalingaw ko sa akong nabal-an.

Ang pag-ampo sa mga bata pabor sa mga dato
Mas daghang bata, mahilangit ang amo



















Ang pagtoo sa mga dato sa una nga mahilangit sila kung magabuhat sila ug balay nga naga-atiman sa mga bata nga wala nay mga ginikanan. Dili tungod kay maayo kani nga buluhaton kung dili ang tumong mao ang pagsugo sa mga bata nga mag-ampo para sa ilang mga amo. Mas daghang bata, mas daghang naga-ampo para sa iyaha. Kung daghang naga-ampo, dako pud ang iyahang tsantsa mahilangit

Ang pag-ayos sa mga balahibo sa k

Ang simbolo sa wool industry
 Apan ang ubang mga dato gusto pa gayud modato ug samot. Ang ubang balay-dangpanan mohangop ug mga bata para mao ang motrabaho sa ilahang mga paktorya sa wool o balahibo sa karnero nga mao nga tela niadto. Ang Leiden sikat niadto sa industriya nga kani. Dako nga negosyo kini kay ang ubang mga panimalay mo-import pa ug mga ilong tuwapos sa ubang nasod!  

Kung kulang pa ang mga bata, mag-import pa sila
Kining dulom nga kagahapon anaa na sa mga museo,  mga pait nga aspeto pero dili sila nalulaw nga ipakita kay nagasilbing giya sa pagtratar sa ilang mga kabatan-onan. Ang hustisya nakab-ot pinaagi sa pagtuon sa mga inhustisya sa katilingban. "Those who refuse to learn history are doomed to relive it - ambot kinsa ang nagsulti niini. 



(Trip mo? I-share mo!)