Halos mag-iisang taon na rin ng huli kong makita ang taong yun. Isa sa mga insidente na nakakamangha sa sistemang Olandes. Busog na busog kami noon mula sa isang hapunan sa aming professor. Ako at aking kaklase. Naghihintay kami ng tren papuntang Leiden. Galing kami sa isang maliit na estasyon ng tren at kailangang maglipat ulit ng panibagong tren sa may Harlem. Mahirap kung hindi ka marunong ng Olandes, para kang tangang palinga-linga sa palibot. Tiningnan namin ang mga listahan ng pasada at umupo sa platform na kung saan dadaan ang tren pabalik Leiden.
Biglang sumulpot ang isang Olandes na may kapansanan sa pagtingin. Di ako tiyak kung bulag nga talaga. Basta may baston siya at winawagayway left and right papunta sa kinaroonan namin. Patumpik-tumpik pero matuwid ang lakad na parang may sinusundan. Doon ko napansin ang mga special na bricks sa sahig ng train station. Kakaiba ang pagkalatag ng mga bricks na ito at parang may mga senyales kung saan papunta sa kanan ba at sa kaliwa. Parang braille system pero nasa sa daanan. Doon ako namulat sa purpose ng mga bricks na ito: for accessibility. At doon ko rin napansin ang network ng mga bricks na ito sa loob ng estasyon ng tren. Accessibility is really a thing in this country.
Yang light-colored crooked bricks ang sinundan ni Bully. |
Noong malapit na si Bully (tawagin na lang natin siyang si Bully) sa amin, bigla siyang lumiko at lumakad patungo sa riles. Hala baka mahulog si Bully! Pero alam din niyang huminto sa may brick na may mga circles na design. Sabi ko sa sarili ko. Baka braille siguro ng "stop". So dumating na ang tren. Sumakay na kami ng kaklase ko sa tren pati rin si Bully. Nang dumating na kami sa Leiden, bumaba rin si Bully. Curious, sinundan namin pababa ng hagdanan si Bully. Naga-wade si Bully ng kanyang baston. Left and Right. Left ang Right. Habang sinusundan namin, tinitingnan din namin ang mga braille bricks at nagaguess kung ano ang meaning ng mga ito. Mabilis na ngayon ang lakad ni Bully na parang may hinahabol. Alam din nya ang pedestrian lane, mga intersections. Sabi ko, "ang galing ni Bully!" Ang galing talaga ng accessibility system ng mga Olandes!
Tama-tama at patungo rin pala banda sa may Breestraat si Bully na malapit sa apartment ko. So sinundan ko pa rin. Anyway, doon naman din ang punta ko. Nagmamadali akong naglakad kasi medyo malayo na si Bully at out of curiosity na rin. Bigla ba namang tumawid sa daan at pumunta sa sinehan. Pati sinehan, aksisibol din?
No comments:
Post a Comment