Monday, August 29, 2011
Lagalag sa banyagang bansa
Heto ako sa lugal na ibayo. Napakalayo mula sa bayang sinilangan. Hindi pa gaanong malalim ang gabi at marami pang tao sa lansangan. Sa katunayan, ay nakakarinig pa rin ako ng mga ingay ng mga taong nagsipagdaan sa kalye abot-kamay lang. Ngunit kahit sa katotohanang maraming tao sa paligid, ang pakiwari ko ako ay nag-iisa pa rin. Hay, kailan ko pa kaya matatapos ang ginagawa ko at ng makapagbalot na at lilipad balik sa inang-bayan.
Isang pagbati mula sa Batang Manuvu (BatMan)
Kumusta po! Maligayang pagbati
Malimit naitanong ko sa aking sarili kung ano ang mga kahalagahan ng pagiging isang kasapi sa iisang tribo. Bilang isang lagalag na Manuvu na kailanman ay hindi pa nakatungtong sa lupang mana ng aking mga ninuno, hindi maiaalis sa isipan kung akma pa bang ako ay matatawag na kasapi. Lumaki sa kagitnaan ng mga kristiyanong kumunidad at sadyang hindi na marunong magsalita ng wika ng mga ninuno. Ako ba ay isang Manuvu pa rin?

Subscribe to:
Posts (Atom)