Thursday, October 6, 2011

Tsinelas

Ang pakikipagsapalaran ko sa Cagayan Valley ay hango sa tsinelas. Marami na ring tsinelas ang dumaan sa akin. Lahat sila'y may kanya-kanyang kwento. Actually, naginghabit ko na rin ang magbili ng tsinelas sa pook na memorable. Pero sa artikulong ito, mga kwento ng mga tsinelas ko sa Isabela.

Blue World Balance slippers - Gusto ko talaga ang tsinelas na ito. Fit na fit sa aking paa at mukhang tigasin. Kaya ito ang ginamit ko sa field trip na yun. Field trip talaga sa bundok ng Ilagan, Isabela. Naglakad kami kasama na mga magsasaka mahigit na apat na oras sa mga sakahan nila. Mga Bacras sa Ilokano or Bakilid sa bisaya. Napasubo ata ako nito. Akyat pababa, paikutoikot pa. Lusob dito, Lusob doon. Pero proud pa rin akong naglalakad. Ganda kaya ng tsinelas ko. Nagbiglang nag-snap ang tsinelas ko! hu hu. Bumigay si WB! I have to walk barefoot. Sa nipis ng kubal (pasensiya na, di ko alam ang tagawog nito) sa aking talampakan, hardwork ang paglalakad. May naawang isang magsasaka at pinahiram niya sa akin ang tsinelas niyang Duralite. Oo nga ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga magsasaka sa Isabela at Cagayan ay Duralite ang tsinelas. And it comes in different striking colors pa!

Ganito rin ang naging kapalaran ng aking Kaypee sandals na binili ko pa sa Zenco footstep sa Tuguegarao. Ang kaibahan nga nakangiti ito nang nagretire. Kaya sa pangalawang Kaypee ko, pinatahi ko na talaga. Tumagal-tagal din kahit papano. Pero di naglaon nakangiti na rin. Kung smiling footwear ang pag-uusapan wala na sigurong makakadaig sa Reebok Green shoes (binili ko yun sa US!). Naglalakad kami sa liblib na bahagi ng Penablanca, Cagayan. Ang mga daan dun ay gawa sa limestone. Sa init ng panahon (ang Cagayan ang pinakamainit na lugar sa Pinas), sabayan pa ng limestone ay napakainit talaga! Unti-unti kong naramdaman na nalulusaw na ang rugby sa suelas ng sapatos ko. Pagiwang-giwang ang lakad ko. Pilit ko na lang na isabay ang aking paglakad  kung saan hahantong ang suelas na naaagnas! Feeling ko nag-skating ako. Ayaw kong mag-paa na lang kasi mas mainit nga ang daan.    

Kaya napilitan akong bumili ng matibay-tibay na tsinelas. Saktong nag-sale ng Sandugo sa SM. Kaya meron na akong bagong Black Sandugo. Nakakapanibago ang tigas nito at ang ingay ng tagatak kapag nagalakad ka sa semento. Mukhang ako nga lang ang may Sandugo sa campus he he. Bibisitahin ko sa field noon ang aking olandes (dutch) na estudyante. Ang sabi magdadala daw ng mga sako ng soil samples palabas ng Sindon Maride (ang aking field site sa Isabela). Kaya minabuti ko na ring sunduin sila. At gamit ko na ang mag-to-two weeks pa lang na Sandugo. Tagatak-tagatak.

Duralite, No. 1 footwear in Isabela
Kung mamalasin ka nga naman at ang tagal ng bus. Sa dami ng sako na dala namin, hindi kami pwede sa van. Yung ibang bus naman ayaw pumara sa amin. Kaya nagdesisyon kaming mag-tricycle na lang mula Ilagan hanggang Cabagan (mga 50 km). Mga 8 pm na nun. At kaming tatlo ay antok na rin. Kay sarap ng simoy ng hangin. Nasa back-ride ako at pilit kinakausap ang driver. Mahirap ng makatulog ang driver na ito. Sa mag-iisang oras na biyahe, nagmanhid din ang balakang at paa ko. Hay salamat nakarating din kami sa ISU campus. What a trip! Noong bumaba na kami sa tricycle may napansin akong kakaiba sa paa ko lalo na kung nakalapat ang kaliwang paa ko sa buhangin. Teka wala na pala ang isang pares ng Sandugo ko! Di ko namalayang nahulog pala dahil sa pagkamanhid ang aking mga paa.


Ang tumagal lang na tsinelas ko sa Isabela ay pekeng Havaianas (gamit pambahay) at ang walang kakupas-kupas na Duralite (ayan kasi bakit ayaw pang sumunod sa pauso ng magsasaka!). In fairness, maganda ang Duralite. Soft at magaan sa bulsa. Magaan ding isali sa baggage mo. Ginagamit na rin ni misis ang duralite ko. Kaya ngayon dito sa Netherlands, ang tsinelas ko ay Sandugo na handmade (meron bang handmade ang Sandugo?) na binili ko sa gilid ng daan noong nag-camping kami ng anak ko sa Bulatukan noong isang taon.

Marami din akong natutunan mula sa magsasaka sa Isabela. Isa na doon ang pagpili ng matibay na tsinelas.

No comments:

Post a Comment